Humina ang tropical cyclone na si “Sinlaku” at isa na lamang typhoon habang nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Sa tala ng PAGASA alas-3 ng madaling araw ng Miyerkules, huling namataan ang bagyo sa layong 2,550 kilometro silangan ng Central Luzon, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 215 km/h.

Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng localized thunderstorms.

Advertisement

Nagbabala ang PAGASA na posibleng makaranas ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar na maaapektuhan ng malalakas na thunderstorm.

Samantala, ang pagsikat ng araw ay inaasahan alas-5:43 ng umaga at ang paglubog nito ay alas-6:10 ng gabi.

Advertisement