Dumating na sa Pilipinas ang unang batch ng siyam na Pilipino na humiling ng repatriation mula sa Iran sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ayon sa DFA, dumating sa bansa noong Marso 10 at 11 ang siyam na overseas Filipinos na inilikas mula sa Iran sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.

Pinangunahan ng Office of the Undersecretary for Migration Affairs ng DFA ang pagtanggap sa mga umuwing Pilipino.

Sinabi ng ahensya na naging posible ang repatriation sa pamamagitan ng koordinasyon ng Philippine Embassies sa Tehran, Iran at Ankara, Türkiye na tumulong sa ligtas na land crossing ng mga Pilipino bago ang kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Advertisement

Patuloy namang minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Iran at iba pang bahagi ng Middle East habang nagpapatuloy ang tensyon at labanan sa rehiyon.

Advertisement