NAGA CITY – Sugatan ang isang indibidwal matapos na pagsasaksakin sa lalawigan ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Gerry Salisi, 36-anyos, residente ng Barangay 3 Poblacion, Alabat sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nagpunta sa may bukid na bahagi ng Barangay Montaña Quezon ang biktima kung saan niyaya itong uminom ng suspek na kinilalang si Placido Capistrano Jr., 31-anyos.
Ngunit habang nakikinig umano ng kanta sa kanyang portable speaker si Salisi nang bigla na lamang itong pagsasaksakin ng suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa kanyang dibdib at likod ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek matapos na sumuko sa Quezon Municipal Police Station matapos nitong isagawa ang krimen.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.Top