Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga biktima na sina Alias Kim, 35 taong gulang, at Alias Aj, 23 taong gulang, parehong residente ng Barangay Cotta sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na sa pinagsanid na pwersa ng mga awtoridad, naaresto ang mga nasabing suspek sa Purok Pagasa, sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, nakabili umano ang poseur buyer sa mga suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic
sachet ng hinihinalang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Advertisement

Sa pat-down search, nakumpiska sa suspek na si Alias Aj ang isang piraso ng sling bag na naglalaman ng 3 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng naturang ipinagbabawal na gamot.

Sa kabuuan, mayroong bigat na 27 grams ang mga nakumpiskang items at nagkakahalagang humigit-kumulang P550,800.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Advertisement