NAGA CITY – Iginiit ng isang barangay kapitan sa Naga City na marami ang makikinabang sa P20 kilo ng bigas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alfonso Rodriguez, Barangay Captain ng San Felipe, Naga City, sinabi nito na maganda ang nasabing programa lalo na kung alam ito ng mga tao, dahil marami umano ang makikinabang dito.
Gayunpaman, ayon sa kanyang pagsusuri, hindi alam ng mga tao ang tungkol dito at hindi ito magagamit sa lahat ng mga tindahan.
Ayon kay Rodriguez, walang nagbebenta ng bigas sa ganoong presyo sa kanilang barangay dahil nasa 40 pesos pataas pa ang presyo.
Dagdag pa niya, hindi man umabot sa 20 piso kada kilo ang presyo ng bigas, basta bababa ang presyo ay mababawasan kahit papaano ang problema ng mga mamamayan.
Samantala, iminungkahi din ng kapitan sa mga mamamayan na huwag umasa sa mga pangako ng gobyerno kundi magsumikap dahil hindi lang ito para sa kanilang sarili kundi maging sa kanilang mga pamilya.