Nakipag-usap si President Ferdinand Marcos Jr. kay Mohamed bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng United Arab Emirates, upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon sa Gulf region at ang kalagayan ng mga residente doon, kabilang ang mga Pilipino.

Sa kanilang pag-uusap, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pakikiisa ng Pilipinas sa mamamayan ng UAE sa gitna ng umiiral na sitwasyon sa rehiyon.

Ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang tiwala sa kakayahan ng pamahalaan ng UAE na mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng residente sa bansa, kabilang ang halos isang milyong Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho roon.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga para sa pamahalaan ng Pilipinas ang seguridad at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa UAE kaya patuloy na mino-monitor ng gobyerno ang mga kaganapan sa rehiyon.

Advertisement

Nagpahayag din ang Pangulo ng pag-asa na agad matatapos ang anumang tensyon o hostilities sa Gulf region upang makabalik sa normal ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.

Samantala, nananatiling isa ang United Arab Emirates sa mga bansang may pinakamalaking komunidad ng mga Pilipino sa Middle East kung saan marami ang nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor tulad ng serbisyo, konstruksyon, at healthcare.

Advertisement