Nag-alok ang United States Department of State ng hanggang $10 milyon na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng ilang matataas na lider ng Iran.

Kabilang sa mga nasa listahan ang bagong Supreme Leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei.

Ayon sa US State Department, bahagi ito ng Rewards for Justice Program na naglalayong makakuha ng impormasyon laban sa mga indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa mga aktibidad ng terorismo.

Ang hakbang ay kasunod ng pinagsamang pag-atake ng United States at Israel sa Iran, kung saan nasawi ang dating Supreme Leader na si Ali Khamenei at ilang mataas na opisyal ng bansa.

Advertisement

Sinabi ng US na ang mga indibidwal sa listahan ay may direktang kapangyarihan sa Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC, na umano’y responsable sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga operasyon ng terorismo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ilan sa mga opisyal na kabilang sa listahan ay sina Esmail Khatib, Ali Asghar Hejazi, Yahya Rahim Safavi, Eskandar Momeni, at Ali Larijani.

Advertisement