Kinansela ng mga organizer ng Grand Prix ang nakatakdang karera sa Saudi Arabia at Bahrain sa susunod na buwan dahil sa patuloy na krisis sa Middle East.
Nakatakda sanang idaos ang karera sa Bahrain sa Abril 12 habang isang linggo naman matapos nito ay gaganapin ang susunod na karera sa Saudi Arabia.
Gayunman, nagpasya ang mga organizer na kanselahin ang dalawang event bilang pag-iingat sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Sa halip, pinag-aaralan ngayon ng mga organizer ang ilang alternatibong lugar kung saan maaaring idaos ang mga karera.
Advertisement
Kabilang sa mga kinokonsiderang venue ang Portugal, Italy at Turkiye upang matuloy pa rin ang nakatakdang mga kompetisyon sa kalendaryo ng Grand Prix.
Advertisement














