Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe na naglalaro mula P1 hanggang P40 sa halos lahat ng public utility vehicles (PUVs) maliban sa regular at motorcycle taxis, kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
Epektibo ang bagong pasahe simula Huwebes. Ayon kay LTFRB Chairman Assistant Secretary Vigor Mendoza, layunin ng hakbang na mapanatili ang operasyon ng PUVs sa gitna ng tumataas na presyo ng diesel at iba pang fuel.
Ang mga inaprubahang taas-pasahe ay:
- Traditional jeepney: P1 sa unang 4 km; 20 centavos sa bawat susunod na km
- Modern jeepney: P2 sa unang 4 km; 20 centavos sa bawat susunod
- Metro/city bus ordinary: P2 sa unang 5 km; 24 centavos kada km
- Metro/city bus aircon: P3 sa unang 5 km; 33 centavos kada km
- Provincial bus ordinary/aircon/deluxe/super deluxe: 30–45 centavos kada km depende sa klase
- Airport taxi: P40
- TNVS (sedan, AUV/SUV, premium): P20
- P2P: 15% dagdag sa kasalukuyang pasahe
Dagdag ni Mendoza, naghain na rin ng kanilang petisyon para sa fare hike ang mga regular at motorcycle taxis, at kasalukuyan itong pinag-aaralan.
Advertisement
Advertisement














