Nagpahayag ang grupong PISTON na itutuloy nila ngayong araw ang kanilang kilos-protesta kasabay ng paglahok ng iba pang grupo sa kanilang panawagan.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, may ilang organisasyon ang nagpahiwatig ng kanilang pakikiisa sa ikalawang araw ng protesta, na inaasahang magpapalakas pa sa kanilang pagkilos.
Inilarawan ng grupo ang unang araw ng kanilang protesta bilang matagumpay matapos umano nilang maapektuhan at maparalisa ang ilang lugar sa bansa.
Iginiit ng PISTON na hindi sila titigil sa kanilang pagkilos hangga’t hindi binabasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang oil deregulation law at inaalis ang excise tax at e-VAT sa mga produktong petrolyo.
Advertisement
Advertisement














