Ipinahiwatig ni US President Donald Trump na maaaring tapusin na ng Estados Unidos ang mga operasyong militar laban sa Iran matapos umanong makamit ang mga layunin nito sa Middle East.

Ayon kay Trump, pinag-iisipan na ng kanyang administrasyon ang “winding down” o unti-unting pagtatapos ng military operations laban sa Iran, kasunod ng sinasabing malaking pinsalang naidulot sa nasabing bansa.

Kasabay nito, pansamantala ring niluwagan ng Estados Unidos ang ilang sanctions sa export ng langis ng Iran upang makatulong sa kasalukuyang kakulangan sa suplay ng enerhiya.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pahayag hinggil sa posibleng paghupa ng tensyon, may mga ulat pa rin ng panibagong drone at missile attacks na kinasasangkutan ng Iran, Saudi Arabia, at Israel.

Advertisement

Dagdag pa ni Trump, maaaring ipaubaya na sa ibang bansa ang pagbabantay sa Strait of Hormuz sakaling tuluyang mawala ang banta mula sa Iran.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng ilang linggong matinding airstrikes at iba pang operasyong militar ng US sa rehiyon.

Advertisement