Pinahintulutan ng Department of Energy (DOE) ang limitadong paggamit ng Euro 2 petroleum products bilang pansamantalang hakbang upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng fuel sa bansa.

Nilinaw ng DOE na ang paggamit ng Euro 2 fuel, na may mas mataas na emisyon kumpara sa mas bagong pamantayan, ay papayagan lamang sa mga sasakyang may modelong 2015 pababa.

Saklaw din ng kautusan ang paggamit nito sa mga industriyal na operasyon kabilang ang mga power plant, generator, at maging sa marine at shipping sector.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang desisyong ito ay isang pansamantalang solusyon upang matugunan ang kakulangan sa fuel at masuportahan ang mga sektor na may limitadong kakayahang mag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon.

Advertisement
Advertisement