Nagsagawa ang Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng Oil Industry Management Bureau (OIMB), ng malawakang inspeksyon sa mga gasoline station sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak na naipatutupad ang inanunsyong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa DOE, layunin ng operasyon na masubaybayan kung tama at agad na naipatutupad ng mga fuel retailer ang bawas-presyo sa mga produktong ibinebenta sa kanilang mga estasyon.

Patuloy na iniinspeksyon ng mga tauhan ng kagawaran ang mga gasoline station sa mga pangunahing lansangan at estratehikong lugar upang matiyak na direktang napapakinabangan ng mga motorista ang ipinatupad na price reduction.

Hindi lamang sa Metro Manila isinasagawa ang naturang monitoring dahil nagpapatuloy rin ang kahalintulad na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa sa tulong ng mga DOE Field Office.

Advertisement

Nagbabala rin ang ahensya na papatawan ng kaukulang parusa at administratibong sanction ang mga gasoline station na mapatutunayang hindi sumusunod sa mga umiiral na patakaran at itinakdang presyo ng petrolyo.

Samantala, hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na iulat sa pamamagitan ng eGovPH App ang anumang iregularidad o hindi wastong presyuhan upang agad itong maaksyunan ng mga kinauukulang awtoridad.

Advertisement