Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagpapakalat ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents sa mga paliparan sa bansa upang suportahan ang Transportation Security Administration (TSA) sa kabila ng kakulangan sa karanasan ng mga ito sa kanilang tungkulin.
Pangungunahan ni border czar Tom Homan ang deployment ng ICE agents, na ipinatupad isang araw matapos ang banta ni Trump na gagawin ang hakbang kung hindi aprubahan ng Kongreso ang pondo para sa Department of Homeland Security.
Ayon sa ulat, maaaring magdulot ito ng mas mahabang pila sa mga pangunahing paliparan sa US. Dahil dito, nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang airport workers at residente, at nagsagawa rin ng donation drive para sa mga TSA staff na nagtatrabaho nang walang sahod.














