Binigyan ng 48-oras na ultimatum ng Estados Unidos ang Iran upang tumugon sa pag-uusap, ayon kay US President Donald Trump, habang nagkakaroon ng positibong resulta sa kasalukuyang diplomatikong talakayan.
Ayon kay Trump, nakipag-usap na sa telepono ang mga kinatawan ng Iran at US bilang tugon sa ultimatum. Giit ng pangulo, ito na ang huling pagkakataon ng Iran upang matapos ang banta ng US at kailangan nilang tanggapin ang alok.
Pinanatili ni Trump na sa kabila ng tensyon, natitiyak niyang hindi na makakagawa ng anumang nuclear weapons ang Iran.
Magugunitang binantaan ng US ang Iran na posibleng bombahin ang kanilang oil facilities kung hindi bubuksan ang Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta para sa pandaigdigang langis.
Advertisement
Advertisement














