
Balik operasyon na ang LaGuardia Airport sa New York matapos ang aksidente kung saan bumangga ang isang Air Canada flight sa isang fire truck habang papalapag, na ikinasawi ng piloto at co-pilot nito.
Ayon kay US Transportation Secretary Sean Duffy, labis ang kanilang kalungkutan sa insidente. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board (NTSB) upang alamin ang sanhi ng aksidente.
Nakikipag-ugnayan din ang Canadian Transportation Safety Board bilang bahagi ng imbestigasyon, habang tiniyak ng mga awtoridad na bumalik na sa normal ang operasyon ng paliparan para sa mga pasahero at flight schedules.
Advertisement







