Binantaan ni US President Donald Trump ang Iran na haharap sa mas matinding pag-atake kung hindi tatanggapin ng bansa ang kasunduan para sa kapayapaan, kasunod ng naunang operasyon na nagdulot ng pagkamatay ng ilang lider ng Iran.
Ipinagmalaki ni Trump ang naunang operasyon ng US na nagresulta sa pagkasawi ng ilang mataas na opisyal ng Iran. Sinabi niya na ito ay patunay ng kahandaan ng Amerika na ipagtanggol ang interes nito sa rehiyon.
Bago ang babala, nagkaroon ng negosasyon ang mga kinatawan ng US at Iran upang ilatag ang mga kondisyon para matapos ang giyera. Tinanggihan ng Iran ang ilang bahagi ng kasunduan na itinuturing nilang agresibo at hindi pabor sa kanila. Iginiit ni Trump na dapat tanggapin ng Iran ang kasunduan upang maiwasan ang mas malalang problema at pinangako ang posibleng mas matinding aksyon kung magmatigas pa ang Tehran.












