Inanunsiyo ni Palace Press Officer Claire Castro na inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng ₱46.22 bilyong pondo para sa 1,743 infrastructure projects sa buong bansa.
Ayon sa DBM, bahagi ng pondo ay ilalaan sa Department of Public Works and Highways para sa mga proyektong naglalayong pahusayin ang road connectivity at mobility sa bansa. Kabilang dito ang Davao City Bypass Construction Project na may mahigit ₱288 milyon na alokasyon para sa taong 2026.
Naglaan din ang pamahalaan ng ₱17.27 bilyon para sa pagtatayo ng 4,960 silid-aralan sa ilalim ng Department of Education, bilang tugon sa patuloy na kakulangan ng mga classroom sa bansa.
Ayon sa DBM, layunin ng naturang mga proyekto na palakasin ang imprastraktura, pagandahin ang access sa edukasyon, at suportahan ang pangmatagalang pag-unlad ng mga komunidad sa buong Pilipinas.













