Pinag-aaralan ng Iran ang panibagong proposal ng Estados Unidos upang tapusin ang digmaan sa Gitnang Silangan, kasabay ng ulat na lalo pang humigpit ang kontrol nito sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang shipping lanes sa mundo.

Ayon sa mga ulat ng shipping industry, sinabi ng maritime intelligence firm na Lloyd’s List na epektibong sarado na ang naturang strait matapos magpatupad ang Iran ng mas mahigpit na clearance system para sa mga barkong dadaan dito.

Iniulat din na nagtatag ang Iran ng bagong ahensya na siyang mag-aapruba ng pagdaan ng mga barko sa naturang ruta, na nagdulot ng pagkaantala at panganib sa pandaigdigang kalakalan.

Dahil dito, tinatayang nasa 1,500 barko at humigit-kumulang 20,000 tripulante ang na-stranded sa Persian Gulf, ayon sa International Maritime Organization (IMO).

Advertisement

Sa isang maritime forum sa Panama, binigyang-diin ng secretary-general ng IMO na ang mga apektadong tripulante ay mga inosenteng manggagawa na naipit sa gitna ng geopolitical tension ng Estados Unidos at Iran.

Samantala, kumpiyansa si US President Donald Trump na maaaring matapos agad ang kaguluhan, at sinabi niyang “going unbelievably well” ang usapin para sa kapayapaan. Nagbabala rin siya na maaaring magpatupad ng “higher level” military strikes ang US kung tatanggihan ng Iran ang alok.

Sa kabila ng tensyon, bahagyang bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kung saan ang Brent crude at West Texas Intermediate ay parehong bumaba sa ilalim ng $100 kada bariles, bunsod ng pag-asa na magpapatuloy ang negosasyon para sa kapayapaan.

Advertisement