Itinakda sa halagang P120,000 bawat isa ang piyansa kina Franco Mabanta at apat pang indibidwal na nahaharap sa kasong robbery extortion kaugnay ng reklamo ng dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa legal counsel ni Mabanta na si Atty. Bernice Piñol Rodriguez, kumikilos na ang kanilang legal team sa Pasig Regional Trial Court para sa pagproseso ng piyansa. Gayunman, tumanggi siyang magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kaso.

Kasalukuyang inaasikaso ng korte ang mga kaukulang dokumento kaugnay ng piyansa na itinakda para sa bawat akusado.

Samantala, nakatakda ring ipatawag sa imbestigasyon ang ilang personalidad, kabilang ang online media anchor na si CJ Hirro, bilang bahagi ng pagdinig sa kaso.

Advertisement

Gayunpaman, hindi umano naipadala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena sa kanyang address at sa opisina ng kanilang media network, kaya’t inaasikaso pa ang muling pagpapadala ng naturang imbitasyon.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang reklamo kaugnay ng umano’y robbery extortion na isinampa laban sa mga akusado.

Advertisement