Kinumpirma ng Malacañang na hindi matutuloy ang nakatakdang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ngayong araw, ayon sa update mula sa Palasyo.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala umanong ibinigay na dahilan sa kanya kaugnay ng kanselasyon, at wala sa schedule ng Pangulo ang LEDAC meeting para sa araw na ito.

Nabatid na una nang sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na nakatanggap siya ng tawag mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) na tumatayong council secretariat, kung saan tinanong kung handa siyang ituloy ang naturang pagpupulong.

Ang LEDAC ay karaniwang forum kung saan tinatalakay ng ehekutibo at lehislatura ang mga prayoridad na panukalang batas ng pamahalaan.

Advertisement

Samantala, tuloy naman ang nakatakdang UPLIFT meeting ngayong umaga sa Palasyo na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Advertisement