Nagbigay ng mensaheng “good luck” si Senador Raffy Tulfo kay Senador Ronald dela Rosa matapos ibasura ng Supreme Court of the Philippines ang hiling nitong temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court.
Ayon kay Tulfo, nangangahulugan ang naging desisyon ng Korte Suprema na maaari nang kumilos ang Executive Branch upang ipatupad ang warrant laban kay Dela Rosa.
Sa botong 9-5-1, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ng senador para sa agarang legal na proteksyon, bagama’t hindi pa nito tuluyang dinidinig ang pangunahing isyu sa kaso.
Samantala, sinabi ng Office of the Solicitor General na maituturing umanong sinadyang pag-iwas sa pag-aresto ang pag-alis ni Dela Rosa sa Senado matapos ang tensyon at putukan noong Mayo 13.













