Pinuri ng United Nations High Commissioner for Human Rights na si Volker Turk ang manifesto ni Pope Leo XIV hinggil sa mga panganib ng artificial intelligence o AI, at tinawag itong isang napapanahong panawagan para sa dignidad at katarungan sa panahon ng makabagong teknolohiya.
Sa inilabas na encyclical na “Magnifica Humanitas,” nagbabala si Pope Leo laban sa mabilis na pag-unlad ng AI na aniya’y maaaring magamit para sa geopolitical at komersyal na dominasyon.
Binigyang-diin din ng Santo Papa ang panganib ng paggamit ng AI sa mga sandata at iginiit na hindi dapat ipagkatiwala sa teknolohiya ang pagpapasya hinggil sa buhay at kamatayan.
Ayon naman kay Turk, dapat manatiling nakatuon ang mundo sa “shared humanity” at tiyaking nagsisilbi ang teknolohiya sa tao at hindi kabaliktaran.














