Nanawagan si Pope Leo XIV sa Simbahang Katolika na higit pang paigtingin ang mga programang naglalayong tumanggap, magprotekta, at magbigay ng suporta sa mga migrante, refugee, at mga taong bumabalik sa kanilang sariling bansa.
Sa kanyang mensahe para sa Plenary Meeting ng International Catholic Commission for Migration, hinikayat ng Santo Papa ang mga kalahok na patuloy na isulong ang pagkilala at paggalang sa likas na dignidad ng bawat tao sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga organisasyong panrelihiyon at mga grupo ng civil society.
Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng paghahanap ng mga bagong pamamaraan upang maprotektahan at maalalayan ang mga batang napipilitang lumikas dahil sa mga digmaan at kalamidad.
Advertisement













