Nagbabala ang Iran na maaaring mabasura ang ceasefire understanding nito sa U.S. kung magpapatuloy ang Israeli airstrikes sa Beirut, Lebanon, lalo na sa Dahieh district na sinasabing konektado sa Hezbollah.
Ayon kay Foreign Minister Abbas Araghchi, saklaw ng kasunduan ang ceasefire sa lahat ng front, kabilang ang Lebanon, kaya anumang paglabag ay maaaring makaapekto sa buong kasunduan.
Sinabi ni U.S. President Donald Trump na patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa Israel at mga kinatawan na may kaugnayan sa Hezbollah at iginiit na walang planong magpadala ng tropa sa Beirut.
Samantala, sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na ipagpapatuloy ng Israel ang operasyon laban sa Hezbollah kung magpapatuloy ang pag-atake sa mga sibilyang Israeli.













