Ipagpapatuloy ngayong araw ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa anomalya sa Flood Control Projects at iginiit ni Sen. Pia Cayetano na siya ay nananatiling chairperson ng komite.
Samantala, una nang sinabi ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na walang nakatakdang pagdinig sa Blue Ribbon Committee ngayong araw.
Puwersahang pumasok sina Sen. Robin Padilla, San Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano sa Senate plenary hall kasama ang 18 umano’y ex-Marines na tatayong mga resource person sa naudlot na pagdinig.
Ginawa ito ng dalawang senador sa kabila ng naunang paglilinaw ni Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo na walang nakatakdang hearing ngayong Huwebes, matapos ang naganap na balasahan sa Senado noong Miyerkules.
Advertisement
Advertisement














