Kinondena ni Risa Hontiveros ang umano’y pag-boycott ng kampo ni Alan Peter Cayetano sa Senado, na aniya’y nakaaapekto sa institusyon at sa pagtupad nito sa tungkulin para sa publiko.
Ayon kay Hontiveros, nakadidismaya ang naturang hakbang, lalo na’t si Cayetano, na minsang nagsilbing Senate President, umano ang nanguna sa pagkilos. Binigyang-diin niya na mahalagang manaig ang pananagutan at pakikilahok ng mga mambabatas sa mga gawain ng Senado upang maayos na magampanan ang kanilang mandato.
Iginiit din ng senadora na ang Senado ay isang mahalagang institusyon ng demokrasya na dapat igalang at suportahan ng lahat ng mga halal na opisyal, anuman ang kanilang paninindigan sa mga usaping pampulitika.
Advertisement














