Nanatiling maayos at kontrolado ang daloy ng trapiko sa University Belt sa unang araw ng pagbabalik-klase ng mga estudyante, ayon sa monitoring ng mga awtoridad.

Sa pagharap sa mga Kagawad ng Media ni PCPT Anthony Bueza, Station Commander, PS3 – NCPO, ibinahagi nito na sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan, hindi pa rin nakaranas ng matinding pagsisikip sa umaga. Bahagyang pagbigat lamang ng trapiko ang naitala sa peak hours na 6:30 AM hanggang 7:20 AM, ngunit mabilis din itong lumuwag pagkalipas ng 7:30 AM.

Patuloy namang mino-monitor ang mga itinuturing na kritikal na lugar tulad ng kahabaan ng Peñafrancia Avenue, kung saan nakatutok ang mga tauhan upang mapanatili ang maayos na daloy ng sasakyan.

Sa pagpapatupad ng mga loading at unloading zones sa mga pangunahing bahagi gaya ng Camarines Sur National High School Annex, nananatiling naka-focus ang mga otoridad sa disiplina at maayos na implementasyon upang maiwasan ang pagbara sa kalsada.

Advertisement

Ayon pa kau Bueza, ang maayos na sitwasyon ay resulta ng maagang paghahanda, koordinasyon ng mga ahensya, at disiplina ng mga motorista at commuter.

Advertisement