Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na naglabas ang kagawaran ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang estudyanteng basketbolista ng unibersidad.

Ayon kay Vida, kabilang din sa mga inisyuhan ng ILBO ang ilang assistant coaches at iba pang indibidwal na may kaugnayan sa kaso.

Paliwanag ng kalihim, layunin ng ILBO na mabantayan ang mga biyahe ng mga taong sangkot sa imbestigasyon at matiyak ang kanilang pagiging available habang nagpapatuloy ang proseso ng pagsisiyasat.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang DOJ hinggil sa lawak ng partisipasyon ng mga indibidwal na isinailalim sa lookout order.

Advertisement

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga pangyayari at posibleng pananagutan kaugnay ng pagkamatay ng dalawang estudyanteng manlalaro ng basketball ng Ateneo.

Advertisement