Naghain na ang Department of Justice (DOJ) sa Regional Trial Court ng Makati ng petisyon para sa kahilingan ng Estados Unidos na ma-extradite si Pastor Apollo Quiboloy. Isinumite ang petisyon noong Nobyembre 9, 2026.
Nai-raffle na ang kaso at napunta sa Branch 145 na pinamumunuan ni Judge Karen Sy.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Amerika ang international human trafficking, sex trafficking, conspiracy, at bulk cash smuggling.
Kasama rin sa mga hinihiling na ma-extradite ang mga kapwa-respondent niyang sina Teresita Dandan at Helen Panilag.
Advertisement
Nilinaw naman ng DOJ na hindi nangangahulugan ang paghahain ng petisyon na guilty na si Quiboloy. Bahagi lamang ito ng legal na proseso para sa kahilingan ng extradition.
Advertisement














