Naghain si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagkakaroon ng expiration period sa mga prepaid load credits ng mga telecommunications companies.

Sa ilalim ng House Bill No. 9903 o “Prepaid Load Forever Act,” magiging labag sa batas ang pagpapawalang-bisa ng hindi nagagamit na load, pagkumpiska sa natitirang load ng aktibong account, at pagtangging ibalik ang nakumpiskang load nang walang sapat na dahilan.

Ayon kay De Lima, hindi makatarungan na mawalan ng bisa ang load na binili na at pagmamay-ari na ng mga consumer.

Iginiit niya na ang mga subscriber ay napipilitang ubusin agad ang kanilang load upang hindi ito masayang dahil sa itinakdang expiration period.

Advertisement

Layunin ng panukala na maprotektahan ang karapatan ng mga gumagamit ng prepaid services at matiyak na mapapakinabangan nila nang buo ang halagang kanilang inilaan para sa komunikasyon.

Advertisement