Pormal nang itinigil ng mga awtoridad ang search and rescue operation para kay Alkharj Zamayla, ang hiker na nawawala sa Mt. Kalatungan sa bayan ng Pangantucan, Bukidnon.
Nawala si Zamayla noong Hunyo 12, 2026 habang nagsasagawa ng trail hiking sa bundok. Matapos ang 11 araw na malawakang paghahanap, opisyal na tinapos ng Incident Management Team ang search and rescue operations noong Biyernes, Hunyo 26.
Ayon sa mga awtoridad, ang desisyon ay isinagawa batay sa rekomendasyon ng Incident Management Team na pinamumunuan ng Bukidnon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Pangantucan.
Batay sa pinakahuling ulat ng pulisya, wala umanong natagpuang anumang palatandaan na nagpapakitang nasa panganib o nasa distress ang nawawalang hiker sa loob ng Mt. Kalatungan.
Sa kabila ng pagtigil ng search and rescue operation, sinabi ng pulisya na magpapatuloy ang kanilang monitoring at pagkalap ng impormasyon kaugnay sa pagkawala ni Zamayla.














