Labing-apat na katao ang nasawi at 38 iba pa ang nasugatan matapos masangkot sa isang matinding karambola ang 23 sasakyan sa Fujairah, United Arab Emirates.

Batay sa ulat ng UAE Interior Ministry, nawalan umano ng kontrol ang isang truck at bumangga sa ilang sasakyan, na nagresulta sa sunod-sunod na pagbanggaan.

Kabilang sa mga nasangkot sa aksidente ang limang truck. Dahil sa lakas ng impact, nagliyab din ang isa sa mga truck.

Agad namang isinugod sa mga pagamutan ang 38 sugatan upang mabigyan ng kaukulang lunas. Samantala, isinailalim sa DNA testing ang mga labi ng mga nasawi upang matiyak ang kanilang pagkakakilanlan.

Advertisement

Karamihan sa mga nasawi ay mga Emirati national, habang ang ilan ay mga Indian national.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang buong pangyayari at ang mga posibleng dahilan ng trahedya.

Advertisement