Naglipat ng mahigit P8 bilyon ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Bureau of the Treasury (BTr), mula sa kinita nito sa pagbebenta ng mga ari-arian ng pamahalaan na ilalaan sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkaunlaran.

Kasama ang P2.6 bilyong dibidendo na naibigay noong Mayo, pumalo na sa P14.1 bilyon ang kabuuang pondong naipasa ng BCDA sa pamahalaan ngayong 2026.

Binigyang-diin ni outgoing BCDA President at CEO Joshua M. Bingcang ang kahalagahan ng bawat pisong ipinupuhunan upang makalikha ng mga trabaho at mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Ilalaan ang nasabing pondo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), para sa pagpapahusay ng kakayahan at modernisasyon nito, gayundin sa iba pang programang pangkaunlaran.

Advertisement
Advertisement