Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Change of Command and Retirement Ceremony ng Philippine Navy, kung saan kinilala at pinasalamatan niya ang dalawang taong serbisyo ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta bilang Flag Officer in Command.Bumili ng Globo
Kasabay nito, hinimok ng Pangulo ang bagong Navy Chief na si Vice Admiral Alan M. Javier na ipagpatuloy ang mga nasimulang hakbang sa modernisasyon at pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Navy upang maprotektahan ang teritoryo at karapatang pandagat ng bansa.
Sa ilalim ng pamumuno ni Ezpeleta, pinalakas ng Navy ang external defense operations at presensya nito sa West Philippine Sea, gayundin ang pagkuha ng mga makabagong kagamitang pandagat, pag-upgrade ng mga pasilidad, at pagpapalawak ng pakikipagtulungan sa ibang bansa.
Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng patuloy na pamumuhunan sa mga tauhan at kagamitan ng Navy upang higit na mapangalagaan ang soberanya ng Pilipinas.














