Umapela ang Malacañang sa mga grupong planong magsagawa ng kilos-protesta na pansamantalang ipagpaliban ang kanilang mga aktibidad habang nagho-host ang Pilipinas ng ASEAN Summit.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, mahalagang magkaisa ang mga Pilipino sa naturang okasyon upang maipakita sa mga dayuhang delegado ang positibong imahe ng bansa.

Hinimok din niya ang mga raliyista na makipagtulungan sa pamahalaan at idaan sa maayos na dayalogo ang kanilang mga hinaing sa halip na magsagawa ng protesta.

Samantala, tiniyak ng Palasyo na nananatili ang polisiya ng maximum tolerance na ipinapatupad ng Pangulo, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP).

Advertisement

Gayunman, nilinaw nitong aaksyon ang mga awtoridad sakaling magkaroon ng paglabag sa batas, panggugulo, o pananakit sa mga pulis.

Advertisement