Mariing itinanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga alegasyong hindi umano nabigyan ng legal assistance, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga indibidwal na naaresto sa mga nakaraang kilos-protesta.

Sa kanilang pahayag, tiniyak ng NCRPO na walang sinumang nasa kanilang kustodiya ang pinagkaitan ng karapatang makakuha ng tulong legal at iba pang kinakailangang serbisyo.

Binigyang-diin din ng tanggapan na mahigpit na ipinapatupad sa mga pulis ang pagsunod sa tamang proseso, paggalang sa karapatan ng mga inaresto at pagbibigay ng makataong pagtrato sa mga ito.

Hinimok naman ng NCRPO ang publiko na gumamit ng beripikadong impormasyon at opisyal na dokumento sa paghahain ng mga reklamo laban sa kapulisan.

Advertisement

Dagdag pa ng tanggapan, tungkulin ng PNP na panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko habang tinitiyak na nirerespeto at napoprotektahan ang karapatan ng bawat mamamayan.

Advertisement