Nakarating na sa Gitnang Silangan ang USS Theodore Roosevelt aircraft carrier strike group bilang bahagi ng regular na deployment rotation ng US military.

Inaasahan namang susunod na darating sa rehiyon sa mga darating na araw ang dalawa pang aircraft carrier strike groups.

Ayon sa White House, kinakailangan ng Estados Unidos ang presensya ng tatlong aircraft carriers sa Gitnang Silangan upang matiyak ang kakayahan nitong magsagawa ng military operations kung kakailanganin.

Matatandaang patuloy na hinihikayat ng Israel ang Washington na muling magsagawa ng pag-atake laban sa Iran dahil sa pagpapatuloy ng Tehran sa nuclear program nito.

Advertisement

Samantala, nauna nang nagpahayag ang Iran na may mga mediator nang nakikipag-ugnayan sa Estados Unidos upang talakayin ang posibleng hakbang para tuluyang matigil ang tensyon at kaguluhan sa rehiyon.

Advertisement