Kinumpirma ang paglahok ni Miss World 2013 Megan Young bilang isa sa mga hurado ng MGI All Star 2nd Edition na gaganapin sa Thailand sa Disyembre 12, 2026.
Makakasama niya sa pagpili at paghusga ang ilang kilalang personalidad sa mundo ng pageantry, kabilang sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Lu Sierra, Osmel Sousa, Miss Grand International 2026 1st Runner-Up Shyare Andrade, Psi Samut Scott, at Omar Harfouch.
Samantala, tatlong Pinay beauty queen ang magbibigay-representasyon sa Pilipinas sa naturang kompetisyon. Kabilang dito sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, Miss Eco International 2025 Alexie Caimoso Brooks, at Miss International Queen 2025 Top 6 finalist Anne Patricia Lorenzo Diaz.
Advertisement










