Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad sakaling matuloy ang extradition o paglilipat sa Estados Unidos kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PBGen. Allen Rae Co, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), susunod ang kanilang hanay sakaling maglabas ng kautusan ang korte na tumulong sa pag-secure sa pagdadala kay Quiboloy patungo sa paliparan para sa kaniyang posibleng paglipat sa US.

Matatandaang naglabas ang Makati Regional Trial Court ng extradition arrest warrant at hold-departure order laban kay Quiboloy at dalawa pa niyang kapwa akusado.

Advertisement

May kaugnayan ito sa mga kasong international human trafficking, sex trafficking, conspiracy, at bulk cash smuggling na kinahaharap nila sa Estados Unidos.

Nauna na ring nagpahayag ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kahandaang tumulong sa anumang hakbang na may kaugnayan sa posibleng paglilipat kay Quiboloy sa US.

Advertisement