Pinuri ni US President Donald Trump si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa matagumpay na pangangasiwa ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit.

Sa isang banquet dinner na dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa, binati ni Trump ang Pangulo at ipinahayag ang kaniyang paghanga sa maayos na pagdaraos ng naturang pagtitipon.

Napansin din ng US President si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, na personal na sumalubong sa kaniya pagdating sa Villamor Airbase.

Nagbiro pa si Trump na tila namamana ng pamilya Marcos ang pagiging matagumpay, lalo’t nakilala rin niya noon ang ama ng Pangulo na si dating President Ferdinand Marcos Sr.

Advertisement

Bukod dito, hinikayat ni Trump si Marcos na ipadaan kay US Secretary of State Marco Rubio ang anumang kahilingan para sa tulong. Pabirong sinabi rin niyang sisibakin niya si Rubio kung hindi nito aasikasuhin ang mga kahilingan ng Pangulo.

Nakatakda namang magkita sina Trump at Marcos para sa bilateral meeting sa APEC Summit na gaganapin sa China.

Advertisement