Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Ayungon sa Negros Oriental madaling-araw ng Huwebes, Nobyembre 19, 2026, bandang alas-4:30.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol sa lalim na 10 kilometro. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang karatig-lugar sa Visayas.

Narito ang mga naitalang instrumental intensity ng lindol:

Intensity II

Advertisement

Buenavista at San Lorenzo, Guimaras
Sipalay City, Negros Occidental

Intensity I

Talibon, Bohol
Argao at Liloan, Cebu
Jordan, Guimaras
Iloilo City
Bago City, Negros Occidental
Sibulan, Negros Oriental

Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang aftershocks na kaugnay ng nasabing lindol.

Advertisement