Pormal nang nagkasundo ang Venezuela at United States sa isang military cooperation deal, halos isang taon matapos maaresto ang dating Venezuelan President na si Nicolas Maduro.
Pinangunahan ang kasunduan ng interim leader na si Delcy Rodriguez, dating bise presidente ni Maduro, kasama si US Secretary of Defense Pete Hegseth.
Ayon kay Rodriguez, makatutulong ang kasunduan upang mapalakas ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagtugon sa mga karaniwang banta sa seguridad.
Sinabi naman ni Hegseth na ang Venezuela, na dati umanong itinuturing na banta sa seguridad ng rehiyon, ay isa na ngayong security partner ng Estados Unidos.
Matatandaang itinigil ng dalawang bansa ang kanilang military cooperation noong 2006 sa ilalim ng administrasyon ni dating Venezuelan President Hugo Chavez.
Noon, inakusahan ni Chavez ang US ng pagsasanay sa mga rebeldeng grupong kumakalaban sa kaniyang pamahalaan.








