Planong sampahan ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS, at ilang ‘pet owners’ ng mas mabigat na kaso ang ‘pet crematorium’ na bigong tuparin ang serbisyong inaasahan.Balitang Pilipinas
Ayon sa Executive Director nito na si Atty. Anna Cabrera, pinaghahandaan nila ang paghahain ng panibagong kaso kontra sa ‘Ajhay Pet Crematorium’ pati kasabwat na mga indibidwal.
Aniya’y mas mabigat na kaso ang nais nilang kaharapin ng mga ito bukod pa sa naunang reklamong ‘estafa’ na inihain ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice.
Kaya’t patuloy ang pagkalap ng kanilang kampo ng mga karagdagang ebidensya upang maiakyat sa kasong ‘syndicated estafa’ ang isasampa ng grupo.
Dagdag pa ng abogado, layon daw nilang mabuo ang 25-bilang sapagkat ito aniya ang orihinal na bilang ng mga labi ng hayop nakita sa Bulacan.
Paliwanag naman ni Atty. Cabrera kung bakit gusto nilang iakyat sa ‘syndicated estafa’ ay sa kadahilanang ‘non-bailable’ ito o hindi pinahihintulutan makapagpiyansa ang akusado.
Para mas maging mabigat ang kaso, kinakailangan mayroon ‘5 principals’ na nag-uusap at nagplanong sangkot sa gawaing panloloko.
Habang ibinahagi ng abogado kung sinu-sino pa ang mga maaaring makasuhan maliban sa may-ari ng pet crematorium.
Ang nabanggit na ‘pet crematorium’ ay ang siyang nasasangkot sa isyu ng pagtatapon umano ng mga labi ng hayop sa Bulacan at mga ‘urns’ na ang lama’y hindi mula sa abo ng mga alagang aso o hayop kundi ibang elemento.














