Kinumpirma na ng celebrity couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang engagement matapos mag-propose ang aktor sa longtime girlfriend nito sa harap ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Ibinahagi ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts ang video ng espesyal na pagkakataon kung saan makikita ang pag-alok ni Rayver ng kasal kay Julie Anne.

Sa naturang post, nagpahayag naman ng pagmamahal at pananabik si Julie Anne na maging asawa ang aktor sa pamamagitan ng isang sweet message na nagsasabing hindi na siya makapaghintay na makasal sa kanyang minamahal.

Advertisement