Opisyal nang binuksan noong Nobyembre 23, 2026 ang ₱20 Benteng Bigas Masterlist (PBBM) Registration System sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.

Isinagawa ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Municipal Lobby ng Binalay, Tinambac, bilang bahagi ng programa na naglalayong makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Inaasahang malaking tulong ang murang presyo ng bigas upang makatipid ang mga pamilya at magkaroon ng karagdagang pondo para sa iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Ang mga benepisyaryong makakakumpleto ng pagpaparehistro at mapatutunayang kwalipikado ay magkakaroon ng pagkakataong makabili ng bigas sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Tinambac, alinsunod sa mga itinakdang patakaran, kwalipikasyon, limitasyon sa pagbili at pagkakaroon ng suplay.

Advertisement

Pinapayuhan naman ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Tinambac para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa.

Advertisement