Ipinagpapatuloy ng US Army ang pagpapasabog at pag-aalis sa humigit-kumulang 4,500 kilogramo ng lead azide, isang uri ng pampasabog na ginagamit ng militar, sa Iowa Army Ammunition Plant sa Iowa.
Kinontra naman ito ng mga environmental group dahil sa pangambang kumalat ang mga kemikal sa mga kabahayan, pananim at alagang hayop sa paligid.
Bago isagawa ang operasyon, nagdeklara si Republican Governor Kim Reynolds ng state of disaster emergency sa lugar.
Tiniyak naman ni Assistant Secretary of the Army Jordan Gillis na nagpatupad sila ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mga mapanganib na kemikal at partikulo.
Advertisement
Naramdaman din ang malakas na pagyanig mula sa pagsabog sa Des Moines County, kabilang ang Burlington City at Middletown.
Advertisement








