Nagpahayag ng pagkadismaya at pagtutol ang ilang mahistrado ng Korte Suprema sa naging desisyon nitong ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa pag-aresto at paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Sa botong 9-4, ipinasiya ng Supreme Court En Banc na wala nang saysay na talakayin ang mga petisyon dahil nasa kustodiya na ng ICC si Duterte.

Gayunman, iginiit nina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justice Ramon Paul Hernando na nararapat pa ring suriin ng Korte Suprema ang legalidad ng naging aksyon ng pamahalaan.

Ayon kay Leonen, ang hindi pagtalakay sa usapin ay maaaring mag-iwan ng kakulangan sa malinaw na gabay kung hanggang saan ang kapangyarihan ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga international arrest warrant at sa pagtupad sa mga obligasyon nito sa ilalim ng Rome Statute.

Advertisement

Samantala, kinuwestiyon naman ni Hernando ang paglilipat kay Duterte sa ICC dahil sa umano’y paglabag sa mga pangunahing karapatan. Kinuwestiyon din niya ang konstitusyonalidad ng Section 17 ng Republic Act 9851.

Advertisement