Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na patuloy ang kanilang monitoring sa mga gasoline station upang matiyak na naipatutupad ang nararapat na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nakipagpulong na ang ahensya sa ilang kumpanya ng langis upang talakayin ang mga insidente ng hindi pagsunod sa price rollback.

Paliwanag ng kalihim, nauunawaan niya ang pangamba ng ilang gasolinahan na malugi dahil sa sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng langis. Gayunman, iginiit niyang hindi ito dapat maging dahilan upang hindi ipatupad ang itinakdang bawas-presyo.

Advertisement

Matatandaang mahigit 200 gasolinahan na ang pinasusumite ng paliwanag ng DOE kaugnay ng umano’y mga paglabag sa pagpapatupad ng price rollback.

Advertisement