Hiniling ng abogado ni Charlie “Atong” Ang na huwag isama ang kanyang kliyente sa kaso ng mga nawawalang sabungero, kasunod ng nakabinbing imbestigasyon sa Manila Regional Trial Court.

Sa isinampang petisyon sa Department of Justice (DOJ) ni Atty. Gabriel Villareal, iginiit nito na walang kinalaman si Ang sa kasong kidnapping at serious illegal detention. Ayon sa abogado, ang akusasyon laban sa negosyante ay nagmula sa pagbawi ng salaysay ni Julie Patidongan, na malinaw na nagsasabing hindi si Ang ang utak sa nasabing krimen.

Pinagtatakahan din ni Villareal kung bakit nagbago ang DOJ at ngayon ay tila hinahayaan silang idiin sa kaso si Ang sa halip na si Patidongan.

Nagbunsod ang kaso sa pagkawala ng mga sabungero kung saan itinuturo si Ang bilang pangunahing suspek. Itinanggi ng abogado kung nasaan ang negosyante, ngunit naniniwala siya na nasa Pilipinas pa rin si Ang.

Advertisement
Advertisement